Malapit nang matapos ang taon. Nagsimula na rin akong balikan ang mga nangyari sa 'kin. Napansin ko, maraming nangyari. May magaganda, may pangit, may nakakahiya at may nakakaasar. Pero lahat ng ito, sa tingin ko, maraming nagawa sa akin. Siguro kahit papaano, natuto ako. Napansin ko, hindi naman ganito ang taon ko dati. Napansin ko paulit-ulit lang ang nangyayari sa akin taon-taon pero ngayon lang naiba. Hindi ako pansinin sa school dati. Hindi rin ako kilala. Mas lalong hindi ako sikat. Siguro kilala lang nila ako dahil nasa cream of the top ako sa klase namin at hanggang dun lang yun. Ni hindi nga ako friendly dati.
Pero alam niyo, masaya naman siya kahit papaano. Kahit mahirap, at least naexperience ko. Inaamin ko nahihirapan na ako. Sinasabi ko nga sa sarili ko na sana makagraduate na ko para lang matakasan lang lahat ng hirap na ito. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Ayokong makasakit ng iba. Yan tuloy ako ang nasasaktan at nahihirapan.
Alam niyo ba kung ano 'tong mga bago sa buhay ko? Mga matang laging ako ang napapansin. Mga pangyayari sa buhay na ngayon lang naranasan. Mga taong hindi ko maintindihan ang takbo ng utak. Mga taong umiibig na hindi karapat-dapat iwanan. Sa totoo lang, HINDI KO NA TALAGA ALAM KUNG ANO ANG GAGAWIN KO. Nagdadasal na nga lang ako. Pero alam ko sa puso ko, EVERYTHING'S GONNA BE ALRIGHT. EVERYTHING'S GOING TO FALL ON THEIR RIGHT PLACES. Lahat ng 'to may purpose sa buhay ko. Lahat 'to makakatulong sa 'kin para maging isang matagumpay na babae. Lahat ng ito makakatulong para mahanap ko ang karapat-dapat na para sa 'kin. Ang alam ko lang na kailangan kong gawin ngayon ay MAGTIWALA SA KANYA at wala ng iba.
Ngayong darating na taon, may bago nanamang darating. Alam ko yun kasi college na ko next year. Marami nanaman akong makikilala. Ang tanging dasal ko lang, sana maiba 'to. Sana maging maganda. Hindi lang sa 'kin kundi para sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Sana malaman ko kung ano ang totoo.
Taon-taon parating may bago. Bagong sapatos. Bagong damit. Bagong mga tao na makikilala. Ano naman kayang bago ang mararanasan natin ngayon? Yung mapapasabi ka na lang bigla ng "Uyy!!! Bagong bago 'to" na may ngiti sa mukha.
No comments:
Post a Comment