Kung akala niyo, isa 'tong date kung kailan ako mamatay (siguro), pero isa 'tong laro na kina aadikan ko ngayon. Sa game na 'to, kailangan mong maabot ang number na 2048 sa pamamagitan ng pag cocombine ng dalawang tiles na magkaparehas hanggang sa makaabot ka ng 2048. Unfortunately, di ko pa naaabot kahit araw-araw ko nang nilalaro -_-
Eto talaga sasabihin ko. Habang naglalaro ako ng 2048, habang pataas ng pataas yung number na nakukuha ko, pataas din ng pataas yung pag-asa ko na mananalo na ko. Pero habang pataas ng pataas yung pag-asa ko, pababa ng pababa yung chance na mananalo ako. Gets ba? Hahaha. In short, nadidisappoint ako. Akala ko mananalo na ko. Akala ko okay na lahat. Akala ko kuha ko na. Pero hindi pa pala. Kulang pa rin. Sa tingin ko, kasunod na ng pangalan ko yung salitang, "Dismaya". Ilang beses na kong nadisppoint. Ilang beses ko na rin 'tong iniyakan. Hindi ko pa rin alam kung bakit di pa ko nasanay. 2048 na buhay 'to! Bakit paulit-ulit ka na lang nangyayari? Kailan ba kita maaabot? Kailan ko ba masasabi sa sarili ko na, "Sa wakas! Naaabot na kita"?
Sa totoo lang, nagtatapang-tapangan lang talaga ko. Akala mo masayahin pero hindi. Sobrang lungkot kong tao. Marami akong problema na akala ng iba madali pero hindi. Marami akong problema na kinikimkim ko lang sa sarili ko. Magaling akong mag inspire ng ibang tao kasi alam ko yung feeling ng bigat na nararamdaman nila. Oo nga, tapos na yung iba kong problema pero sa tuwing naaalala ko yung mga 'yun, bumababa yung tingin ko sa sarili. Kung pwede ko lang sabihin sa sarili ko lahat ng sinabi ko sa ibang tao, sinabi ko na, GINAWA KO NA. Lahat naman ng problema ko dinadaan ko lang sa ngiti pero sa totoo lang hirap na hirap na ko. Si God na lang talaga ang pag-asa ko sa buhay. Shemay na buhay 'to. Kaiyak. Balang araw, makikita mo hinahanap mo! Balang araw matatalo din kita! Balang araw makukuha ko din yang 2048 na yan!
No comments:
Post a Comment