My current situation

This post will be very personal. I just wanted to release my emotions hahaha.

Kahapon nagstart yung klase namin. I'm not excited. Sino ba namang maeexcite pumasok kung wala na yung mga kaibigan mo sa klase at 5-9 pm pa yung klase mo, partida may saturday class pa ng 7 am? Jusme, Novaliches pa ko. Sa Manila ako nag-aaral. Tinry naming magpalipat sa morning class. Hindi naman kami pinayagan. Sabi ng head, "Kung hindi ka pwede ng panggabi, lumipat ka na lang ng major." Depressed na depressed na ko, as in iyak ako ng iyak. Nagdadasal na lang ako. HIndi ko maiwasang masabi, "Lord, Bakit? GInawa ko naman best ko", pero sa bandang dulo, humingi at patuloy pa rin akong humihingi ng lakas sa Diyos. Sa iba, hindi big deal yung sitwasyon ko pero iba talaga yung feeling eh. Nakakalungkot lang na hindi ko na makakasama yung mga kaibigan ko. Kasi ba naman, last year nahiwalay din ako sa mga kaibigan ko, tapos ngayon naman? Ano na? Pero I trust God. Alam kong will Niya 'to. Gumawa na ko ng paraan para maging morning class pero di ako pinayagan. Yun yung sign na God is redirecting me. God is doing His plans for me.

Kahapon, nagstart na yung class. Ang bago ng pakiramdaman. Eto yung feeling na kaka start pa lang ng araw mo as 1st year college student. Yung nangangapa ka pa. Hindi mo alam kung kanino ka sasama. Kaloka. Mangiyak ngiyak ako. Ang hirap pa ng biyahe. Sino ba kasi ang nagpa-uso ng night classes na yan? Oo nga, binibigyan ka ng night classes ng feeling ng isang nagtratrabahong nilalang ng mundo pero NAG-AARAL KAMI HINDI NAGTRATRABAHO! Binibigyan kami ng quizzes, seatworks at homeworks na kailangang gamitan ng utak at kailangan naming mag-excel. Uulitin ko, MAGEXCEL. Paano ka mag-eexcel kung ganung oras kailangang gamitin yung utak? Patulog na utak nun tapos gagamitin pa? Papaganahin namin yung utak namin sa gabi kung kelan tulog na dapat, tapos sasabihin nila na kailangang mameet namin yung expectations nila. Wag ganun pre. Ang hirap. Advantage naman yun ng mga night classes sa mga working student na nagtratrabaho sa umaga, pero sa working students lang. HIndi naman kami working students. Buti walang nagrereklamong magulang sa ganung sched. Nakakamatay kaya. Walang dinner dinner.

Next week, magmomove kami ng kapatid ko sa condo/dorm malapit sa school. Ako yung naghanap ng condo. Sa una gusto ko, pero nung nagtagal ayoko na kasi wala akong kausap hahaha. Ang pangit sa feeling na nasa isang maliit na kwarto ka tapos wala kang kausap tapos sobrang tahimik pa. Sabi ko sa nanay ko, sa tito at tita na lang kami titira. Siguro after 6 months dun na kami.

Eto nanaman yung time na feeling ko susuko na ko. Eto yung time na gusto ko nang matapos yung school year.Nagdadasal na lang ako na sana maging maganda 'tong school year na 'to kahit ang daming adjustments. Lord God, tulong naman oh. Hirap po eh.

Iniisip ko na lang na isa 'tong malaking pagsubok na kung saan susubukin ang pananampalataya ko at ang pisikal kong katawan at utak, pero kaya ko 'to. God is good. God will never leave me nor forsake me. Think positive lang. Makakaraos din tayo. Balang araw, magbubunga din lahat ng pinaghirapan ako at magiging successful din ako. I proclaim! In Jesus' name :)

Micah

Christian | Shutterbug | Dreamer

No comments:

Post a Comment