Love has unique meaning in every person. Pero para sa 'kin, love is like a ferris wheel. Why?. Habang nag-iikot kasi kami kasama ang mga pinsan ko sa isang amusement park, may nakita akong ferris wheel (Lahat naman ata ng amusement park may ferris wheel). I insisted to ride on it. At first, sabik na sabik ako. Sasabihin ko pa sa sarili ko, "Hindi naman nakakatakot sakyan. Why do I need to fear?" Pero nung nakasakay na kami, I suddenly felt nervous. Marami na kong na-iimagine. "Paano kung nagkaroon ng technical problems at bumagsak 'to? For sure, pwede kaming mamatay (OA lang). Anong gagawin namin kapag nasa tuktok kami at hindi na kami makababa?". Masyadong malawak ang imagination ko at kung anu-ano na ang naiisip ko. Pero I've realized na sa simula lang pala nakakatakot. When you're in the middle of the ride, naeenjoy mo na at ayaw mo na ring bumaba. Gusto mo ng ulit-ulitin.
Parang love, sa simula, takot na takot kang magmahal kasi sa kapapanood mo ng drama at mga palabas na puro breakups, hiwalayan, iyakan at kabit, naiisip mo na ganun na kahihinatnan mo. Pero ito ang challenge. We must take the risks. Alam naman natin na hindi mawawala ang pagiging BH(brokenhearted) sa love. Pero wag naman nating hayaan na maging mangmang tayo sa isa sa pinakamasayang karanasan na pwedeng mangyari sa buhay natin. We must forget our fear dahil hindi mo makikita ang tunay na kagandahan ng buhay kung nahaharangan ka ng takot.
Ito lang ang for sure na mangyayari when you're in love. Matutuwa ka. Trust me. BH ka man sa crush mo dahil may girlfriend/boyfriend na sya, nalaman mo na niloloko ka ng boyfriend/girlfriend mo, nafriend zone ka man, at least naramdaman mo ang "kilig much" sa puso mo. Nabigo ka man ng mabigo, at least sinubukan mo. Wag kang matakot sa sasabihin ng iba. Wag kang mahiya sa nangyari kasi mas nakakahiya kung di mo sinubukang umibig. Mas masakit kung wala kang nagawa. Kaya kung ako sa 'yo, Do not fear and take risks. Yan ang paulit-ulit kong sasabihin sa sarili ko. Kasi, life is nothing without love and love is nothing without taking risks.
Post script:
Ipopost ko sana 'to sa bulletin board namin sa school for Heart's day kaso ayoko na maasar ako ng ibang tao dahil sa kacornihan ko XD Ang corny lang talaga ng love at ito ang pinaka ayokong sinusulat. Nasulat ko lang siguro 'to kasi naranasan ko na rin ang mainlove :)
Nako hindi naman korny xDD Thumbs up nga ako eh :D
ReplyDelete