Success?

Sabi ng karamihan at ang pagkakaalam nila, ang SUCCESS daw o ang pagiging matagumpay ay pagkakaroon ng malaking sweldo, nakatira sa ibang bansa, maginhawa ang buhay o kaya nakakapag-aral sa malaking paaralan. Pero para sa 'kin, iba ang kahulugan nito.

Maraming tao ang mayaman pero sawi sa pag-ibig. May iba na kumuha na ng masteral, nagdoctoral na, nag-aral at kumuha pa ng ibang course pero wala di pa rin kuntento. May ilan din na mayaman sa pagmamahal, maraming nanliligaw pero malungkot pa rin kasi hindi masaya (Malamang hindi masaya kaya nga malungkot eh XD) What I mean is hindi pa nila nakikita ang true love nila. Dyan pumapasok minsan ang temptation. Dyan natetempt ang mga lalalaking mambabae. Pero di yun ang pinopoint out ko kaya balik na tayo sa topic. Sadyang marami lang talaga akong kilalang babaero :P

Anyway, para sa 'kin kasi, ang success natatagpuan sa puso natin. Kung alam natin sa puso't isipan natin na nagtagumpay na tayo, yun ang tunay na success. Lahat tayo may pangarap. At ang gusto nating mangyari ay maabot ito. Kahit simpleng bagay lang ang goal mo sa buhay basta naabot mo successful ka na. Ang success, makakamit lang natin kung naging kuntento na tayo sa kung anong meron tayo, kung masaya na tayo sa sitwasyon natin sa buhay, kung nagawa mo na ang dapat mong gawin at kung nakuha mo na ang gusto mong makuha. 

Pero di ibig sabihin na kapag successful ka na, wala ka ng problema sa buhay. Lahat naman tayo may problema. May malaki at may maliit. Ang kinaibahan lang, mas naging madali at mas nginingitian na lang natin. Sige. May ibang tao na nagsucceed pero nahihirapan pa rin sa problema nila. Pero di 'ba dapat pa rin silang maging masaya kasi nangyari na ang pinakaaasam-asam nila sa buhay? Ginusto nila yun at dapat pagsumikapan pa rin nilang malutas lahat ng problema nila. Sa haba-haba ba naman ng panahon na ginugol nila para lang sa pangarap nila at dahil lang sa problema, susuko na sila? 'Di dapat ganun. 

Ano ba ang dapat? Di 'ba dapat hindi tayo madaling sumuko? Marami na tayong nalagpasang problema, susuko pa rin ba tayo? Ituloy lang natin. Wag urong sulong. Take the consequences. Ito ang lagi kong sinasabi sa sarili ko, "Trust God". Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Alam ko lahat ng iyon ay para sa ikabubuti natin. Alam ko na may kapalit na kasiyahan ang bawat lungkot na nadarama natin ngayon. Kahit kailan hindi sumuko ang Diyos sa 'yo. Ikaw, susuko ka na lang ba at sasayangin lahat ng pinaghirapan mo?

Micah

Christian | Shutterbug | Dreamer

1 comment: